Talaga? Oo. Isang malabis na pagpapayak ang pagtuturo ng mga alisagang aligin (Tagalog ng random variable) bilang “halagang natutukoy ng pagkakataon o tsansa,” bagaman maaari itong ituring nang ganoon sa isang kurso sa mulaing palaulatan (elementary statistics).
Sapagka’t ang tunay na kahulugan ng isang alisagang aliging $X$ ay isang kabisang (function) na pumapares bawa’t nilalaman ng talangkas ng halimbagay (sample space) sa iisang tunay na bilang.
Halimbawa, kung tumutukoy ang $X$ sa halagang mapapanalunan (₱1000, ₱500, ₱100) sa isang patimpalak, maaaring ituring ang $X$ bilang isang kabisa, kung saan makakatanggap ang nakakhuha ng unang gantimpala ng ₱1000, ikalawang gantimpala ng ₱500 at ikatlo ng ₱100.
del Rosario, Gonsalo. Maugnaying Talasalitaang Pang-Agham Ingles-Pilipino. National Book Store, 1969.
Hart, William L. Plane and Spherical Trigonometry with Applications. D. C. Heath Company, 1964.