Akdang Pansipnayan sa wikang Pilipino
Narito ang isang talaaklatan ng mga aklat, papel pampananaliksik at iba pang sanggunian hinggil sa sipnayan na nakasulat sa Pilipino. Nagbigay ako ng kawing sa mga sangguniang makukuha sa daigbatan (internet) .
- del Rosario, Gonsalo: Maugnaying Talasalitaang Pang-Agham Ingles-Pilipino. National Book Store.
Naglalaman ng humigit-kumulang 7500 salita na maaaring gamitin sa anim na pangunahing sangay ng agham—sipnayan(mathematics), sugnayan (physics), kapnayan (chemistry) haynayan (biology), ulnayan (social sciences) at batnayan (philosophy) na binuo gamit ang maugnaying pamamaraan.
- Guadalupe, Brian: Isáng Pambúngad sa Palátalangguhitan, 2017.
Isang aklatroniko hinggil sa palatalangguhitan (graph theory), na nakabatay sa maugnaying pamamaraan ng pagbuo ng salita.
- Miranda, Bienvenido T. at Salome, Miranda T.: Mathematical Terms in Pilipino. Matimyás Matematika, 1979, Buok V, Blg. 3, pp. 7-13.
Nagalalaman ng mga katawagang pang-matematika na maaaring gamiting alternatibo sa mga nasa Maugnaying Talasalitaan.
- Paglinawan, Mamerto: Aritmetikang Tagalog ó Bilangang Tagalog. Limbagang "La Patria", Sampalok, 1919.
Ang kauna-unahang aklat sa Pilipino hinggil sa bilangan o bilnuran (arithmetic).