Patungkol sa Akin

Mabuhay!

Ako po si Gab, isang labimpitong (17) taunggulang na mag-aaral sa Pamantasan ng Pilipinas, Diliman sa B.S. Matematika. Mahihinuhang mahilig ako sa math at sa iba ring larangang ginagamitan ng isip. Nakawilihan ko na rin ang coding gamit ang HTML buhat isang taon nang makalipas, pagka’t nais kong ihayag ang aking sarili nang walang sagabal. Nakatala sa ibaba ang ibang aking mga hilig at kaayawan:

Kagustuhan

  • Sipnayan o math, at iba pang maagham na larangan
  • Pag-aaral sa wika, lalo na sa wikang Tagalog/Pilipino/Filipino
  • Pananaliksik o riserts
  • Pagbuo ng Rubik’s cube (baguhan pa lamang ako)
  • Piyano at biyolin (Hindi pa ako marunong, nguni sana ay matuto ako sa UP Kolehiyo ng Musika :) )
  • Palakasan o isports (kahi’t di ako ganoon marunong)

Kaayawan

  • Pagsayaw (Kinasawaan ko na ito. Ayoko talaga kapag namimilit ang iba na sumayaw ka AYAW KO NGA.)
  • Sabayang pagbigkas
  • Pilit na pagsali sa isang kaganapan, lalo na ang mga binhisipan o walang kwentang seminar na nakakainip at nakakabagot-ulo.

Patungkol sa Websayt

Inilunsad ang pook-sapot na ito sa Neocities noong Nobyembre 10, 2024 bilang isang pansariling proyekto kung saan maisusulat ko ang lahat ng nais kong isulat sa mga paksang aking kinagigiliwan. Dati ay nakalimbag sa Wordpress ang aking gawain, nguni’t masyadong limitado ang mga maaaring gawin doon nang hindi nagbabayad. Nakasulat ang lahat ng lathalain sa maugnaying Pilipino sa mga katawagang pang-agham na walang salin sa pangkaraniwang Pilipino mula sa Inggles upang mapanatili ang konsistensiya ng katawagan aghimuin (technical) sa bawa’t lathalain.

Bumalik

Powered by MathJax